Posted in Own Story

Pangarap ng Inakay

“Ang Munting Inakay”

May isang inakay na ibig lumipad

Ngunit pakpak niya’y di pa maikampay.

“Bayaan mo anak, ikaw ay magsanay.”

Ang sabi ng inang siyang nagbabantay.

Ang munting inakay na nais matuto

Sa gilid ng pugad ay paluksu-lukso!

At isang araw nga pakpak ay gumalaw

At lumipad na siya sya sa malayong lugar.

     Sarap magbalik-tanaw. Ito yung unang tulang tinuro sa akin ng lola ko nung ako’y maliit pa. Naaalala ko kailangan pa naming mag-record sa radyo gamit ang tape na uso pa noon. Tuwang-tuwa yung lola ko kapag narinig na nya yung matinis kong boses na halos bumiyak ng baso. Ako naman, nasisiyahan din, tatalon-talon pa.

     Ilang taon na ba ang nakalilipas simula nung matuto akong itula yan? 22 taon na pala. Si lola ang nagtyagang mag-alaga sa akin. Kapag papasok ako sa school, talagang sisiguraduhin nyan ako ang pinakamalinis sa lahat. Naaalala ko pa noon na dalawang piso lang ang baon ko, kung hindi ko binibili ng papel, binibili ko ng pomelo o yung ginataang mais.

     Palipat-lipat ako ng school noon. Nag-aral ako sa Chinese school (may lahi kasi kaming Chinese), kaya ayun, kahit papaano, gusto nila akong matutong magsalita ng konti. Madali naman akong makapag-adjust sa mga bagong schoolmates ko, siguro ganun lang talaga ako, mahilig makipagkaibigan. Tapos, to make the story short, ika nga, nung Grade 5 ako, lumipat na naman ako ng school, ngayon sa public school naman. As usual, nakapag-adjust naman ako ng maayos, dumami na naman lalo ang kaibigan ko. Pagkatapos ng graduation sa grade school, ayun lilipat na naman kami. Lumipat na kami ng La Union. So, doon na ako mag-aaral ng high school.

   Pagkagraduate ko ng high school, sabi ng tita ko kumuha daw ako ng Nursing. So dahil pag-aaralin nya ako, sabi ko sige, ito lang naman ang course na walang masyadong Math. Unang taon, okay naman. Pangalawa, dumadami na ang return demos, inuulan na kami ng madaming activities. Summer classes, kailangan na naming magsimulang magduty sa mga hospitals. Sobrang kabado pero andoon ang excitement. Hindi mo alam kung ano ang ieexpect mo sa bawat duty mo sa hospital. Hindi naman sa pagmamalaki pero, alam ko namang matalino ako papaano at hindi slow. So I graduated with flying colors. After graduation, siyempre andyan na ang pressure ng Board Examination. Pumunta kami sa Baguio ng mga kaibigan ko para doon magreview. Ang daming pressure. Hindi mo na alam kung ano ang uunahin.
To make the story short, pumasa ako sa NLE, at naging isang Registered Nurse. Di talaga maipaliwanag ang tuwang mararamdaman mo kapag pumasa ka ng Board Exam. Parang lahat ng paghihirap at pagpupuyat mo ng ilang taon, worth it. So, natapos ang oath taking. Ito ang Malaking tanong, saan magsisimula?

   Sinubukan kong magvolunteer sa isang malaking hospital kaso grabe naman ang mga staff nurses talaga, sa mga volunteers nila inaasa ang lahat. Ni wala ka na ngang bayad, pahihirapan ka pa. Hindi naman ako nagrereklamo kaso, sana marunong naman sila makiramdam. Sinubukan ko rin mag-apply sa mga bansa sa Middle East pero di rin ako pinayagan ng pamilya kong pumaroon dahil natatakot daw sila.

   Di naglaon, sa ilang buwang pagiging tambay at unemployed, nakatanggap ako ng tawag mula sa tita ko, sabi nya, may mag-iisponsor na daw sa akin papuntang Canada. Tinanong ko naman kung sino at ano’ng trabaho. Sabi nya, Live-in Caregiver daw. Syempre, Filipino mentality, ma-pride di ba? Sabi ko, bakit ako magke-caregiver? Eh RN ako dito sa atin! Ayoko nga! So mahaba-habang diskusyon ang nangyari. Naipaliwanag naman nya na “stepping stone” daw ang pagpasok ko at after 2 years, pwede na akong magkaroon ng open permit at pag naging Landed Immigrant na, mas madaming privileges na ang pwedeng gawin. Pwede nang mag-aral o magtrabaho bilang nurse.

    So, nakapunta nga ako ng Canada bilang Live-in Caregiver. Mabait naman yung nagsponsor sa akin kasi kahit di pala nya ako kailangan, inilakad lang nya ang papers ko para makapunta ako dito. Pagdating ko dito, naghanap agad kami ng bagong employer ko. Nakahanap naman kami sa tulong ng agency. Pagkatapos ng 2 weeks ko sa Canada, may trabaho na ako agad. May pagka-demanding lang itong amo kong ito. Sa una, ang hirap. Kasi syempre sa ospital nag-aalaga ka lang naman ng bata sa konting panahon, pero dito kasama mo sila buong araw. Masakit sa ulo lalo’t makukulit at hindi nakikinig sa’yo.

   Minsan kailangan talagang maging matyaga tayo sa bawat bagay na ginagawa natin sa buhay at wag pairalin ang pride. Alam ko sa sa pagtitiis kong ito, may mabuting ibubunga. Tiis pa ng konti at makakaahon din. Wala lang maisip na isulat. Naaalala ko lang ang lola ko. Sana mapasalamatan ko sya sa pag-aalaga nya sa akin. Pati na rin si tita na nagpaaral sa akin at syang dahilan kung bakit andito ako ngayon. Alam ko sa tamang panahon makakamit ko rin ang mga pangarap ko sa buhay, ito pa lang ang simula ng lahat. Sana patnubayan ako ng nasa Itaas. Alam ko andyan lang Siya kahit ano’ng oras na kailangan ko sya. Nakakalungkot mang isipin, iniisip ko parang nag-iisa ako ngayon.

Author:

Filipino-Canadian. Lives in Ottawa, Ontario. Full time frontliner, part-time scribbler.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s